KOMUNIKAYSON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


 Yunit I

Mga natutunan ko sa Filipino 1  bilang mag-aaral ay …

Ang wika ay isang tulay kung bakit ang mga tao ay nagkakaitindihan at nagkakaunawaan.  Ito rin ay binubuo ng mga tunog na iniugnay natin sa mga nais nating ipabatid sa ibang tao.
Meron itong…


Daluyan ng Pagpapakahulugan :


      1.Ang lahat ng wika ay nagsimula sa tunog                   
      Ang simbolo ay mga biswal na larawan , guhit ,o hugis na kumakatawan sa maraming kahulugan.
      2.Ang kodipikadong pagsulat ay sistema ng pagsulat tulad lamang ng cuneiform.
       3.Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha , kumpas ng kamay at galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o ng mensahi
       4.Kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao.

Mga gamit ng wika :

      1.  Gamit sa talastasan

      2.Lumilinang ng pagkatuto

      3.Saksi sa panlipunang pagkilos

      4.Lalagyan o imbakan

     5.Tagapagsiwalat ng damdamin

      6.Gamit sa imahinatibong pagsulat
Kategorya at kaantasan ng wika:
        1.Pormal- Ito ay wika na ginagamit ng higit ng nakakarami  tulad ng pamayanan,bansa o isang lugar.
-Antas-
a.        Ang opisyal na wikang  pambansa at panturo-ginamgamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan.
Hal: Malaya,tahanan
b.       Ang Wikang pampanitikan- karaniwang ginagamit sa akdang pampanitikan
Hal: Haraya,silay,kabiyak salinlahi
       2. Di-pormal- ginagamitsa pang araw-araw na pakikipagusap.
-Antas-
a.) Panlalawigan-salitang diyalekto
hal: adlaw(araw) ,balay(bahay)
b.) Balbal- Slang na ingles
hal: chichi(pagkain), epal (mapapel)
c.) kolokyal – salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag usap
hal: ewan, kelan at musta


Ang komunikasyon  ito ay pagpapahayag,pagbabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.Ito rin ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mga impormasyon, kaalaman, kaisipan at damdamin.
Antas ng komunikasyon
1.       Intrapersonal- komunikasyong nakatuon lamang sa sarili
Hal: pagninilay-nilay, dasal at meditasyon.
2.       Interpersonal- komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3.       Organisasyunal -  komunikasyong nagaganap sa loob ng isang organisasyon
Hal: paaralan, at simbahan.

Modelo ng Komunkasyon






       Tatlong uri ng komunikasyon
1                   1. Komunikasyong pabigkas
2                   2. Komunikasyong pasulat

3                   3.Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter

ARALIN 2 : Unang wika, Bilingguwalismo, at multilingguwalismo sa konseptong Pilipino

Ang  wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa kasalong wika(Sugbuanong- Binisaya, Iloko , kapangpangan,pangasinan,Samar-leyte,maguindanao, tausug at tagalog) at mga banyagang wika tulad ng ( kastila, ingles, at tsino).
Sinabi ni Ernesto Constantino na “ ang wikang pambansa ng pilipinas ay dapat hindi ibatay sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng pilipinas, pero hindi nito pinupuwersa na isa sa mga wikang ito ay gawing nucleus o simula ng wikang pambansa “
Ayon sa konstitusyon sa artikulo XIV ,Seksiyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika.”

Kasaysayan ng ating Pambansang pagplano sa Wika

·         Unang dinala ng mga amerikano ang wikang ingles noong ika 1901
·         Unang yugto ng wikang tagalong(tagalong 1)- unang pinangalanang wikang pambansa noong 1935
·         Ikalawang yugto ng wiakng tagalong (tagalong 2)- unang ginawang isang pang-akademikong asignatura noong 1940
·         Unang yugto ng wikang Pilipino (Pilipino 1)- ang pangalang tagalong ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong  1959.
·         Ikalawang yugto ng wikang Pilipino (Pilipino 2) –pinanatili itong  wikang opisyal  at tinanggalan ng katayuan ang wikang pang-akademiko bilang wikang pambansa .
·         Ang unang wiakng Filipino (Filipino 1) –ang artipisyal na wika na balak buuin ng konstitusyon noong 1973 at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa
·         Ang ikalawang wikang Filipino (Filipino 2) – ang wikang Pilipino ay muling kinikilala bilang wikang opisyal ,pang –akademiko at pambansa  at pinangalangang “filipino” ng konstitusyon ng 1987.

Ang MTB-MLE o Mother Tongue-Based of Multilingual Education ay pag-aaral na naglalayon na matukoy ang mga mabuting epekto ng paggamit ng estilo sa pagtuturo na MTB-MLE na kaakibat ng kurikulum ng DepEd na K-12, sa mga kabataang Pilipino na nakararanas ng nasabing estilo ng pagtuturo. Kasama din dito ang pagtukoy kung epektibo ba ang paraan ng pagtuturo na ito para sa mga kabataang Pilipino.

ARALIN 3 :Lingguwistong  komunidad at uri ng Wika

Anu ba ang Lingguwistong komunidad? Ang nangangahulugan ito ng pagwiwika o pagsasabi ng higit sa tatlong wika o lenggwahe sa isang komunidad.
Mga salik ng  Lingguwistong komunidad
1.       May kaisahan sa paggamit ng wika at naiibahagi ito sa iba
2.       Nakakapagbabahagi at mala yang kasapi sa tuntunin ng wika at interpreyasyon
3.       May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
Hal:
·         Sektor- mga mangagawa
·         Grupong pormal- bible study group
·         Grupong impormal -barkada
·         Yunit – team ng basketbol
Multikultural na komunidad-   “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”
ü  sosyolek ay uri ng wika ba nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.
ü  Idyolek ay natatangi’t espesikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
ü  Diyalekto ay uri ng pangunahing wika ng nababago,nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon
ü  Rehistro angkop na pananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin na partikular sa larangan.

YUNIT II: MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

ARALIN 1: BILANG INSTRUMENTO
Ang natutunan ko sa Aralin na ito ay maituturing ang instrumental ang wika kung natutugunan nito ang pangangailangan ng tao.
Ang wika ay Daluyan ng saloobin at pagkatao
Loob :puso,isipan,atay,bituka
Lalim: kaluluwa at budhi
Labas: dibdib, mukha, sikmura, tiyan
Ang bigkas –pagganap  ay ang paggamit ng wika sa isang tao upang paganapin at direkta o di- direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe . ito ay hango sa teorya ni John L. Austin.

1.       Lokusyonaryo – literal na kahulugan ng pahayag.
2.       Ilokusyonaryo – kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmulan ng nakikinig.
3.       Perloksyunaro-  ginawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe.

ARALIN 2: REGULATORYO
Ang Regulatoryo ay bisa ng wika na nagtatakda ,nag-uutos ,nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng alinmang institusyong nabanggit .
Mga klasipikasyon ng Wika ayon sa regulatoryong bias nito
1.       Berbal – tawag sa lahat ng kautusan ,batas o tuntunin na binabanggit ng pasalita.
2.       Nasusulat ,nakalimbag at biswal- tawag sa lahat ng kautusan ,batas o tuntunin namababasa at mapapanood o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
3.       Di –nasusulat na tradisyon –mahabang tradisyon na pasalin-saling bukambibig na kautusan ,batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.
Mga halimbawa ng regulasyon o batas
*      Saligang batas o konstitusyon –pundamental na batas ng bansa
*      Batas Republika – batas na inakda ng kongreso.
*      Ordinansa- kautusan na ipinatutupad sa mga probinsiya,siyudad at munisipyo.
*      Polisiya-  kautusan o desisyong ipinatutupad sa isang oraganisasyon, ahensya o kompanya.
*      Patakaran at regulasyon- ipintutupad na kautusan o alituntuninsa paaralan at iba pang samahan.             

ARALIN 3:INTERAKSIYONAL
Interpersonal na komunikasyon- Ito ay pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao.
Intrapersonal na komunikasyon – ito naman ay sa loob ng isang tao o isa lang.
Ang interaksiyon sa cyberspace – ito ay ang pakikipg interak sa pamamagitan ng internet
Mga halimbawa ng interaksiyon sa internet
Dalawahan:
1.       E-mail
2.       Instant message
Grupo:
1.       Group chat
2.       Forum
Maramihan:
1.       Sociocite
2.       Online store

ARALIN 4: PERSONAL
Ang personal  ay mula sa salitang personalidad.  Nabuo ang personalidad ng iasng tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.
Mga dimensiyon  ng Personalidad
·         Panlabas laban sa panloob ( extraversion vs. introversion )-inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya.
·         Pandama laban sa sapantaha (sensing vs. intuition)- inilalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang mga tao.
·         Pag-iisp laban sa damdamin (thingking vs. feeling)-inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon.
·         Paghuhusga laban sa pag-unawa(judging vs. perceiving)- inilarawan  ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao.
Ito ay batay sa kabutihan o pamantayang moral na itinakda ng lipunan , sapagkat ito ay nagbuo n gating pagkatao at sarili ang magiging sandigan habang hinaharap ang ibat-ibang sitwasyon .

Personal bilang pagpapahayag sa sarili
Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. Ang tao ay nagwiwika upang maipahayag ang bahagi ng kaniyang isip at damdamin.
Ang sanaysay naman ay mula sa dalawang salita na sanay at pagsasalaysay . Ito ay naglalahad ng opinion,kaisipan,reaksiyon at saloobin ng manunulat.
Ang malikhaing sanaysay ay kadalasan naglalaman ng pagpuna o kritika  sa mga isyung panlipunan at interaksiyon ng mga tao. Ginagamitan ito ng mga salita na aantig sa mga mambabasa upang higit na kawili wili.
Halimabawa:
Biograpiya- talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isnag tao hango sa mga tunay na tala,pangyayari at impormasyon.
Awtobiograpiya- talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat.
Alaala (memoir)-salaysay o kuwento ng buhay na pinagdaanan .
Sanaysay- pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o napuntahan .
Personal na sanaysay-  pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay.
Blog- isang webpage o online na dyornal na maaaring ma access ng madla.

Mga bahagi ng sanaysay
1.       Panimula
2.       Katawan
3.       Wakas

ARALIN 5:IMAHINATIBO
Ang imahinatibo ay wika na ginagamit sa paglikha ,pagtuklas at pag aliw.
May mga anyo ang panitikan …
1.       Pantasya
2.       Mito
3.       Alamat
4.       Kuwentong bayan
5.       Siyensiyang piksiyon

ARALIN 6: HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO
Ang heuristiko ay ang pag-iimbistiga,pag-eeksperimento,o pagtiklas ng abgong kaalaman.
Ang representatibo naman ay ang pagpapaliwanang ng sagot o ng datos ,impormasyon na iulat sa publiko o kait kanino.
Meron itong mga yugto sa maugnaying pag-iisip
1.       Paggamit ng Sintido kumon-pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip
2.       Lohika na pag-iisip-binubuo ng tatlong uri:
·         Lohika ayon sa pangangatwiran o argument
·         Lohika ayon sa pagkakasunod-sunod
·         Lohika ayon sa anilisis
3.       Kritikal na pag-iisip- mataas na antas ng pag-iisip  ;tatlong hakbang:
·         Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin
·         Pagsusuri,pag-uuri, at pagpuna
·         Paglalatag ng alternatibo
4.       Maugnaying pag-iisip- pinakamataas na antas ng pagiisip.
Halimbawa: repleksiyon,kritika,interpretasyon,pananaliksik na multidisiplinaryo,pananaliksik na interdisiplinaryo

Ang powerpoint presentation ay isang aplikasyon ng M.O (Microsoft office) na ginagamit sa paguulat na mas mapaganda at mas medaling makakuha ng atensyon ng mga manood.


YUNIT III: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPNIAS

ARALIN1: WIKANG PILIPINO AT MASS MEDIA
Ang mass media ang pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
Radyo – ginagamit ng karamihan dahil sa ito ay mura at mas medaling gamitin.
                -ito rin ay media ng masa.
Mga uri ng palabas
a.       Tanghalan/teatro
b.      Pelikula
c.       Telebisyon
d.      youtube

Blog 2(Personal na Blog)


                                                    Player Unknown's Battlegrounds
Ang BLOG ay tungkol sa laro na PUBG, nilalaro ito sa pamamagitan ng Mobile Phones at Kompyuter. Marami ang nag lalaro nito dahil simple lang laroin pero marahas ito para sa mga bata kaya't kailangan ito ng patnubay at gabay para sa mga magulang.
Una ay mag sign ka sa iyong STEAM na account o ibang account. Tapos Pumili ka sa iyong karakter maari itong babae o lalaki depende sa iyong gusto. Tapos pumili ka ng iba't ibang mode. Maari itong Squad, Solo, Duo at 1-man squad. Maari karin pumili ng iba't-ibang mapa. Meron itong Erangel, Miramar, Vikendi at Sanhok.
Resulta ng larawan para sa pubg
Kapag nag landing ka na sa iyong gustong lugar, kumuha ka ng mga gamit at sandata panlaban sa iba't ibang manlalaro. Marami ang kalaban mo dito (99vs1). Dapat pumili ka ng mga magagandang gamit para hindi ka madaling mamatay. Sa pag patak ng oras ay umiikli yung mapa at maaring matatamaan ka sa Danger Zone. Kapag matataman ka man nito Umiikli ang iyong Buhay kaya't dapat kumuha ka ng maraming Medical Kit, Bandage, Soda at Painkiller.
At kapag maswerte ka naman makaka kuha ka ng airdrop crate. Ang laman nito ay magandang mga gamit at baril. Maari mo itong magagamit upang pumatay at manalo sa laro. Minsan naman ay makakalaban ka na "cheater" sumisira ng laro pero mas strikto na ang kumonidad ng PUBG ngayon.Sa pamamagitan ng pagdaraya bilang isang reoccurring na tema sa PUBG, ang koponan sa likod ng mga eksena ay nagtaguyod ng mga pagsisikap upang matanggal ang isyu, hindi bababa sa maaari. Ang pagdaraya ay naganap pa sa mapagkumpitensya na eksena ng PUBG na nagreresulta sa pagbabawal para sa mga mataas na profile player.
Ang mga developer ng PUBG ay patuloy na naghahanap upang makabago pagdating sa pagpigil sa pagdaraya. Ang "Report" function ay isang pangunahing at simpleng paraan para sa koponan upang makakuha ng puna at ipatupad ang pagbabawal sa mga manlalaro na may kasalanan.
Marami ang naglalaro ito dahil dito lang sila nakakalayo sa kanilang problema at nagiging masaya.

Mga Komento